#AchibDisBill!
alamin kung ano nga ba ang Anti-Discrimination Bill at tulungan tayo so we can #AchibDisBill!
TRIGGER WARNING
death, transphobia
Jennifer Laude
On October 12, 2014, a police report revealed Laude was found dead naked on a bathroom floor in Celzone Lodge. Her murderer was identified as Private First Class Joseph Scott Pemberton of the US Marines.
The police reported that the murder was a hate crime, saying that what prompted Pemberton’s murder of Laude was him finding out that Jennifer was “gay.”
Following the Visiting Forces Agreement, custody of him was transferred to the US. In 2020, Pemberton was granted absolute pardon by President Duterte. Pemberton is now back in the United States.
Jessa Remiendo
She was partying on September 16, 2019 with her friends in Bolinao, Pangasinan. She decided to buy cigarettes, but never returned. The next morning, her body was found on the white sand shore of Patar Beach.
The president of United Pangasinan LGBTQ+ stated that trans women were widely accepted in the city and that Jessa was one of the kindest transgender women in the province.
Madonna Nierra
According to Donna’s father, Ricky, Donna went out the night of September 26 but never returned. Her body was found floating in a river in Caloocan on Monday after being missing since Saturday. She was only 23 years old.
Heart Pontanes
Heart Potanes was a beautician in a salon in Malabon City. She was killed by two men, who were her frequent clients and were given free access to go in and out her rented room.
The murderers took a selfie and filmed the whole murder scene. Heart suffered from 15 stabs and died while being treated in Manila Central University.
Para kanino?
Ang mga pangalan at kwento ni Jennifer Laude, Madonna Nierra, Heart Pontanes, at Jessa Remiendo ay iilan lamang sa mga taong nakaranas ng sakit dahil lamang sa kanilang katauhan.
Taon-taon, marami sa ating kasamang LGBTQ+ ay nasasaktan, namamatay, nawawalan ng trabaho, ng tahanan, magulang, kaibigan, kanlugan, dahil lang iba ang kanilang minamahal. Iba lang ang kanilang pananamit. Pananalita. Ugali. Gawa. Pero kahit ito'y simpleng pagkakaiba, patuloy pa rin ang diskriminasyon sa Pilipinong LGBT.
Upang mabigyang lunas ang mga kahirapang ito, nais nating ipasa ang SOGIE Equality Bill (HB 6294), na siyang magbibigay proteksyon at hustisya sa iba pang biktima ng karahasan, mula sa kultura ng heteroseksismo at ng patriyarka.
Ano ang SOGIE?
Ang ibig sabihin ng SOGIE ay Sexual Orientation, Gender Identity, and Expression.
• Sexual Orientation
sekswal o/at romantikong pagnanasa o atraksyon (kung sino ang gusto ng tao). may ilang nasa ilalim nito:
⠀• Lesbiyana
⠀⠀⠀babaeng may gusto sa kapwa babae
⠀• Bakla
⠀⠀⠀lalaking may gusto sa kapwa lalaki
⠀• Bisekswal
⠀⠀⠀may gusto sa babae, lalaki, o/at iba pang kasarian
⠀• Heterosekswal
⠀⠀⠀babaeng may gusto sa lalaki o lalaking may gusto sa babae
⠀
• Gender Identity
kamalayan ng isang tao sa kanyang kasarian (kung lalaki, babae, o ano pa mang ibang kasarian ang tingin niya sa sarili)
⠀
• Gender Expression
pagpapahayag ng gender identity (pananamit, kilos, gawi, at pag-iisip)
⠀
Ang lahat ng tao, LGBT+ man o hindi, ay may SOGIE.
Ano ang Anti-Discrimination Bill?
Kilala rin bilang SOGIE Equality Bill, ito ay isang panukalang batas na nagbabawal sa iba't-ibang uri ng diskriminasyon sa tahanan, paaralan, trabaho, pampublikong lugar, atbp. base sa SOGIE ng tao.
Para nga lang ba sa LGBT+ ang ADB? Hindi ba ito "special rights" para sa kanila?
Hindi.
Saklaw ng ADB ang lahat ng tao dahil lahat naman tayo ay may SOGIE, at kahit hindi LGBT+ ay nakakaharap din ng diskriminasyon base sa kanilang SOGIE.
Gayumpaman, kailangang alalahanin na ang sektor na pinaka-bulnerable sa diskriminasyon at karahasan base sa SOGIE ay ang LGBT+. Kaya naman, sila ang pangunahing sektor na maproprotektahan ng ADB. Subalit, muli, hindi ibig sabihin nito ay binibigyan ng espesyal na karapatan ang LGBT+ dahil saklaw naman ng batas na protektahan ang LAHAT NG MAMAMAYANG PILIPINO, LGBT+ man o hindi, mula sa diskriminasyon base sa SOGIE.
Kasama ba sa ADB ang pagsasa-legal ng same-sex marriage?
Hindi.
Nakalagay sa Family Code ang limitasyon ng kasal sa pagitang ng babae at lalaki at wala ring kahit anong probisyon sa ADB tungkol dito. Nangangailangan ng hiwalay na panukala para sa marriage equality.
Ano ang kasaysayan ng ADB sa Kongreso?
Unang inilatag ang ADB noong taong 2000. Matapos ang 17 taon, naipasa lamang ito hanggang 3rd reading sa Kongreso at hindi na nakalampas sa periods of interpellation (paghapag ng panukalang batas at pag-uusap tungkol dito) sa Senado.
Ang ADB ang itinuturing na pinakamatagal na panukalang nanatili sa plenaryo na inabot na ng halos 20 taon.
Makakasira ba ng pamilya ang ADB?
Hindi.
Walang kahit na anong probisyon sa ADB ang taliwas sa probisyon ng Konstitusyon sa pagbibigay-halaga ng gampanin ng pamilya sa lipunan.
Matatapakan ba ng ADB ang kalayaang panrelihiyon (freedom of religion)?
Hindi.
Malinaw na hindi manghihimasok ang ADB sa mga gawaing panrelihiyon, lalo na't may probisyon sa Konstitusyon ng separasyon ng estado at simbahan.
Ngunit, hindi dapat gamitin ang kalayaan sa pananampalataya upang mangutya at mangdiskrimina ng mga LGBT+. Ang kalayaan sa panananampalataya ay nagtatapos kung ito ay hahantong sa pagtapak ng karapatan ng tao, LGBT+ man o hindi.
Matatapakan ba ng ADB ang kalayaan sa pagpapahayag (freedom of expression)?
Hindi.
Dapat nating tandaan na ang kalayaan sa pagpapahayag ay hindi kalayaang mangutya at mangyurak. Ang lahat ng karapatan ay may karampatang limitasyon at responsibilidad.
Matatapakan ng ADB ba ang kalayaan sa akademya (academic freedom)?
Hindi.
Walang kinalaman ang SOGIE ng tao sa kaniyang karapatan sa edukasyon, at hindi rin ito dapat makahadlang sa kaniyang pagkatuto. Ang isinusulong ng ADB ay pagkakaroon ng isang akademikong kaligirang ligtas sa anumang diskriminasyong nakabatay sa SOGIE lalo na para sa mga mag-aaral.
Kaugnay nito'y iminumungkahi ring mawala ang mga patakarang nakasisikil sa karapatang magpahayag ng kasarian ng mga estudyante (hal. mandatory haircut, uniform, at iba pa).
Mababago ba ng isang tao ang kanyang kasarian sa mga legal na dokumento sa pagsasabatas ng ADB?
Hindi.
Walang kahit anong probisyon sa ADB ang maggagarantiya ng pagbabago ng legal na kasarian sa mga pampublikong dokumento. Nangangailangan pa ng hiwalay na panukala para dito.